sobrang dami kong gustong gawin sa buhay ko pero hindi ko alam kung paano at saan ako magsisimula.
gusto kong…
magpagupit ng buhok (tipong bobcat/apple cut). starting anew kumbaga. pero hindi pwede kasi mahihirapan akong i-pusod yung buhok ko. natatakot din ako kasi sayang yung buhok ko eh baka di naman bumagay sakin. :|
magpa-spa(full-body massage). yun nga lang yung kasama ko magpa-spa, hindi ko alam kung nasaan na. AIRA DEL ROSARIO!!!!!!!!!!
magpa-foot spa. kasi ang pangit pangit na ng paa ko. grabeng lakaran araw-araw ba naman kasi. hahaha. yun nga lang…wala akong budget para dito. HAHAHA.
kumain ng wicked oreos at magfood trip sa Taft. yun nga lang hindi ko alam kung anong araw at oras libre yung mga kaibigan kong nag-aaral sa DLSU at CSB. HI FRIENDS!! kasya na ba 500 dito? baka naman kasi pag-uwi ko botchog na ako, may diabetes pa. HAHAHA.
mag-exercise araw-araw. yun nga lang tinatamad ako. tapos ngayon ang sama pa ng pakiramdam ko. hahaha.
sumama sa Halloween Party ni Helendel. ah eto, pwedeng pwede ako dito. yun nga lang wala akong costume. kung papahiramin niyo ako o kaya eh bibigyan ng magandang ideya eh bakit hindi? hahaha. AT kung papayagan din ako ng napakabait kong ama. hihi. :>
bumili ng bagong cellphone. kasi dalawang taon na sakin itong napakatibay na Nokia E63 ko. nabasag pa nga ng kapatid ko yung screen niya eh. sign ito na panahon na para bumili ako ng sarili kong BB. :”> hindi nga lang ako maka-timing sa magulang ko kasi kaliwa’t kanan ang gastos ko. hahaha.
ang daming gusto. andami ding dahilan. matupad kaya lahat ng gusto kong gawin ngayong sem break? hahaha.